Wednesday, April 4, 2012

Ang Pagdagit


Isa sa mga anghel noong 2011.
Ang Dagit

Ang Dagit ay isang napakahalagang tradisyon na nasasaksihan ng di-mabilang na mga taga-Ibaan tuwing sasapit ang Linggo ng Pagkabuhay.

Kaugnay ng pagdiriwang ng pagkabuhay ng Mahal na Hesukristo, ito ay ginaganap pagkatapos ng Banal na Misa at prusisyon ng “Salubong” (ang prusisyon kung saan ngsasalubong ang imahen ng Nabuhay na Hesys at ang imahen ng Mahal Na Birhen). Walang nakatitiyak kung kailan nagsimula ang tradisyong ito. Ngunit maaring ipalagay na ito ay kasabay ng Pagbati nang isagawa (ang pagbati ay unang idinaos noong 1901).

Naunang Galilea na gawa sa kawayan.
Ang Pagsasagawa Ng Dagit

Ang pang-yayaring ito ay ginaganap sa “galileya” na nakatayo sa isang tanging lugar sa kabayanan. Noong unang panahon, ang galileya ay yariu sa kawayan na may 40 hanggang 50 piye ang taas. Kadalasang itinatayo tio tuwing Sabado Santo at inaalis pagkatapos maidaos ang Dagit. Ang pagpapatayong ito ay pinangangasiwaan ng Punong Bayan. Ang yari nito ay nahahalintulad sa isang pyramid: apat na sulok ng mga kawayan na nagtatagpo sa tuktok. Mayroon itong tatlong bahagi: ang pinakailalim, na siyang pinakapuwang para sa imahen na nagdaraan na kasama sa prusisyon; ang gitna, kung saan ang apat na sulok ay kinatatayuan ng tig-iisang batang babae na nakasuot-anghel; at ang tuktok, siyang pinagdaraanan ng batang gaganap sa Dagit. Ang batang ito na nakasuot-anghel ay lulan sa isang salop na may mahabang tagdan.

Habang inginababa ang anghel na dadagit, inaawit naman ng isang isang piling koro ang “Regina Coeli Laetra Aleluia” na ang ibig sabihin ay “Reyna Ng Langit, Magpakaligaya Ka”. Kasabay din nito ang paghahagis ng mga talutot ng bulaklak mula sa mga naghel na nakatayo sa apat na sulok ng galilea. Pagkatapos ng awit, matatanaw na ng lahat ang pumapailanlang na anghel na dala o taglay ang lambong na itim ng Mahal Na Birhen (ang itim na lambong o belo ay ginagamit bilang palatandaan ng pagluluksa). Sinasabayan naman ito ng malakas na palakpak ng lahat.

Kasalukuyang konkretong Galilea, 2011.
Ang Galileo ay napupuno o batbat ng bulaklak na siyan pinagkakaguluhan ng mga tao pagkatapos na maidaos ang dagit. Ito ay ayon sa paniniwala na mayroon ang mga itong dalang swerte o biyaya. ]

Noong 1993, nagkaroon ng permanente at palagian galileya na yari sa konkreto. Ito ay naitayo sa pamunuan ni Punong Bayan Artemio P. Chua, sa tulong ni Armando Caringal mula sa ibayong dagat at Fr. Jinon, na noon ay siyang Kura Paroko ng Ibaan.

Ang pangalang “galileya” ay halaw sa lugar na Galilea na matatagpuan sa hilagang bahagi ng Israel. Ayon sa isang paniniwala, ditto nagpakita at bumati ang Panginoong Hesus sa Kanyang Mahal na Ina matapos ang Kanyang Muling Pagkabuhay.

Ang magandan imahen ng Birhen ng Kapayapaan at Pagtatagumpay (ang ginagamit sa naturang prusisyon) ay pag-aari ng magkakapatid na sina Nestor, Freddie, Onyan, at Bella Perez. Ang naturang imahen ay minana ng kanilang mga magulang sa kanilang kamag-anak na si Isabelo Guerra, ang ama ni Felicidad Guerra-Reyes.

Ang Paghirang Ng Gaganap Sa Dagit

Noong unang panahon, ang gumaganap sa Dagit, gayundin ang koto na await dit ay inuusap ng namamahalang piskal ng si Francisco Perez. Itinuloy ito ng kanyang kapatid na humnalili sa kanya nba si David Perez. Ngunit dumating ang panahon na marami nang mga magulang ang nagpatala na kani-kanilang mga anak na babae. Kahit pa ang mga anak nila ay kasisilang pa lamang.

Ang mga anghel, Pagdagit 2011.
Upang magkaroon ng pantay-pantay na pagtingin sa mga magulang, ang Historical Commission ang naatasan na magsa-ayos ng mga gawaing pansimbahan tulad nito. Kasama ang Parish Pastoral Concil, nagbuo ng panuntunang susundin para sa paghirang ng gaganap sa dagit. Ayon dito, ang paghirang ay gagawin sa pamamagitan ng palabunutan. At ito ay sisimulan sa panahong ang nakatala hanggang sa taong 2010 ay nakadagit na. (Source: Yaman Ni Poong Santiago, Historical Commission, Parish Pastoral Council, 2004)

Ang Mga Pagbabago

Sa pagdating ni Fr. Arnel Hosena, OSJ bilang Kura Paroko, naging matapang siya sa pagiimplementa ng mga pagbabago sa ilang mga tradisyong nakasanayan na ng mamamayan ng Ibaan. At isa na nga rito ang pagpili ng dadagit. Bagama’t hindi naging madali para sa mamamayan ang pagtanggap, katulong si Fr. Rex Alday, OSJ, Ibaan Parish Pastoral Council at Historical Commission, isinulong pa rin ang pagbabago upang mas maging patas at pantay ang paraan ng pagpili. Ito ngayon ang sinusunod ngayong taong kasalukuyan, 2012.

Fr. Arnel Hosena, OSJ (2011)
Isa sa labis na nakagimbal na pagbabago sa isyung ito ay ang pagbibigay pahintulot sa mga batang lalaki na makasama sa mga pagpipilian bilang anghel na siyang magsasagawa ng pagdagit. Ito ay dahil na rin sa paniniwala ng mayroon ding mga anghel na lalaki ayon sa mga pangaral ng bibliya. At pinaka-kilala ng lahat si Arkanghel.

Sa unang pagkakataon na malaman ng mga tao ang bagay na ito, binuksan at tumanggap na ang Parish Pastoral Council at Historical Commission ng mga aplikante para sa nasabing usapin. At tulad ng napag-kasunduan, naging bahagi nito ang mga batang lalaki. Ganun pa man, hindi naging madali ito dahil mayroong kwalipikasyon at alituntunin na itinakda.

Base sa katitikan ng pagpupulong ng Parish Pastoral Council, narito ang mga alituntunin na sa pagpili ng dadagit. Kasama na rin dito ang para sa mga batang anghel.

Mag Alituntunin (Pagdagit at Pag-a-anghel)

1.       Ang batang dadagit at mag-aanghel ay kwalipikado at nakahandang magsumite ng mga kinakailangang papeles
2.       Ang pamamaraan ng pagpili ng dadagit ay sa pamamagitan ng bunutan, samantalang ang mga anghel ay magpapalista sa opisina ng parokya
3.       Ang karapatan at pribelehiyo ng pagdagit ay laan lamang sa pangalan ng batang nabunot.

Mga Kwalipikasyon
1.       Binyagan sa katoliko
2.       7-10 years old
3.       May kakayanang pisikal at espiritwal
4.       Lehitimong taga-ibaan o ang mga magulang ay taga ibaan
5.       Ang mga magulang ay kasal sa katolikong simbahan; hindi hiwalay o may ibang kinasama
6.       Handing gumanap ng mga gawaing may kaugnayan sa pagsamba

Magiging pare-pareho na kasuotan ng mga anghel ngayong taon, 2012.
Mga Papel Na Dapat Isumite Ng Magulang
1.       Baptismal Certificate ng bata
2.       Birth Certificate ng bata
3.       Marriage Contract/Certificate ng mga magulang

Sa  naunang labing-tatlo (13) na nagpalista, at sa pagsusuri ng kinauukulan, pito (7) ang nag-kwalipika at napasama sa bunutan. Naipaliwanag at ipinagbigay-alam ito sa lahat ng mga magulang na kanila naming malugod na tinanggap. At noong Ash Wednesday (February 22, 2012), isinagawa ang palabunutan na sinaksihan ng mga magulang ng bata na nagpalista, mga miyembro ng Parish Pastoral Council, at Fr. Arnel Hosena, OSJ.

At sa unang pagkakataon, lalaki ang dadagit ngayong taon. At ito ay si AUGUSTIN CHRISTIAN DELA PENA, na siyang nabunot. Si Agustin ay mula Brgy. Coliat, 8-taong gulang, Grade II, at nag-aaral sa Saint Jude Science and Technological School.

Fr. Rex Alday, OSJ (2011)
Samantala, ang mga hindi naman nakasali sa bunutan ay awtomatiko na magiging anghel sa araw ng pagdagit. Dahil na rin marami pa ring mga magulang ang nagnanais na maging anghel ang kanilang anak, binuksan pa rin ng kinauukulan ang pagpapalista ng mga bata. Isinara lamang ang pagtanggap noong ika-15 ng Marso. Sa kabuuan, umabot sa apatnapu’t isa (41) ang mga anghel – 24 babae at 17 lalaki. At bago dumating ang Linggo Ng Pagkabuhay, magkakaroon o dadaan muna sa mga “spiritual activities” ang mga bata, kasama ang mga magulang nila.

Kaugnay ng nasabing usapin, kinakailangan na apre-pareho ang magiging kasuotan ng lahat ng anghel –mula sa kulay ng kasuotan, bulaklak sa ulo o halo, pakpak at maging ang basket na siyang paglalagyan ng bulaklak. Ang mga ito ay higit na ipatutupad sa mga batang babaeng anghel. Mayroon ding sariling alituntunin ang mga batang anghel na lalaki sa bagay na ito.

Binigyang pansin din ang mga disenyo na inilalagay sa Galilea. Kung dati, napapalibutan ito ng bulaklak na kadalasan ay puting rosas, ngayong taon, pipilitin na tela ang siyang maging pangunahing gagamitin sa pagdisenyo nito na aabot sa mga tao sa baba ng Galilea. Ito ay upang maiwasan ang pagkakagulo o pag-aagawan ng mga tao sa mga puting rosas pagkatapos ng dagit, dahil na rin sa paniniwala na mayroon itong dalang swerte. Ito na rin ang nagiging dahilan upang mawala ang atensyon ng mga tao sa Kristong Muling Nabuhay.

Dagdag pa dito, hindi rin itinatadhana na puting rosas ang gagamitin. Pinapayagan ang anumang uri ng bulaklak para sa nasabing okasyon. At tanging mga “petals” lamang nito ang siyang isasabog o ihahagis sa mga tao matapos na makuha ng dadagit ang lambong ng Mahal Na Birhen Maria.  Higit sa lahat, hindi “required” sa dadagit ang maghanda o ang magpa-kain sa mga tao. Maari lamang itong gawin kung mayroong kakayanan ang mga magulang.

Malalim na debosyon ng taga-Ibaan.
Kasama si Augustin Christian Dela Pena na siyang dadagit, narito ang pangalan ng mga bata na magsisilbing anghel sa araw ng Pagdagit sa umaga ng Linggo Ng Pagkabuhay.

DADAGIT
Augustin Christian dela Pena
8 years old
Coliat, Ibaan, Batangas
Grade II at St. Jude
Parents:
Augusto dela Pena
Divina Gracia dela Pena

Mga Anghel

Elisha Ma. Andrea Perez Palad
11 years old
Coliat, Ibaan, Batangas
Saint James Academy, Grade V
Parents:
Melanio Palad
Lanie Perez

Maging ay basket na lalagyan ng bulaklak ay pare-pareho.
Maridel Aguierre Semira
7 years old
Balanga, Ibaan, Batangas
Parents:
Elmer B. Semira
Isabel A. Semira

Chelzee Ann Arangilan Dalangin
7 years old
Talaibon, Ibaan, Batangas
Saint James Academy
Parents:
Rodel Aguado Dalangin
Analiza Castillo Arangilan

Ysabelle Andre Guerra Torrano
10 years old
San Agustin, Ibaan, Batangas
Saint James Academy
Parents:
Danny Bautro Torrano
Liza Escano Guerra

Prestine Diona Toreja Patena
7 years old
Talaibon, Ibaan, Batangas
Marfeben Academy
Parents: Saner F. Patena
Merlynd T. Patena

Ang hindi pa nagagayakan na Galilea, 2011.
Angyle Magnaye Guerra
11 years old
Malainin, Ibaan, Batangas
Parents:
Meynard Baril Guerra
Nelda Magtibay Magnaye

Khainane Theriz D. Sanggalang
6 years old
Sandalan, Ibaan, Batangas
Ibaan Central School
Parents:
Felix Sanggalang
Dalisay de Castro

Maria Franchesca Eunice I. Guerra
6 years old
Parents:
Roger Guerra
Connie I. Guerra

Sofia Elaine Toreja Patena
10 years old
Poblacion, Ibaan, Batangas
Saint James Academy, Grade IV
Parents:
Saner Patena
Merlynd Toreja

Julliene Gem Cacao Comia
6 years old
Balanga, Ibaan, Batangas
Parents:
June Comia
Gemma Cacao

Maging ang labas ng kalsada ay puno ng mga deboto tuwing Dagit.
Maxene Patricia Alexene Asuncion
8 years old
Matala, Ibaan, Batangas
Parents:
Chito Reyes
Lorna Asuncion

Jullian Kate Ditan
10 years old
Sabang, Ibaan, Batangas
Parents:
Resty Ditan
Lea Andal

Shanell Kai Papio
10 years old
Sabang, Ibaan, Batangas
Parents:
Bonifacio Papio
Analiza Berania

Lanz Cometa
8 years old
Coliat, Ibaan, Batangas
Parents:
Eugenio Cometa
Janet Torre

Arabela Grace Magtibay
6 years old
Malainin, Ibaan, Batangas
Parents:
Alfredo Magtibay Jr.
Lailanie Magtibay

Francesca Louise P. Guerra
8 years old
Parents:
Franklin Benedict T. Guerra
Pag-alay M. Pantaleon

Ang pagsikat ng araw sa umaga ng pagkabuhay, 2011.
Nien Carmela de Castro Caringal
10 years old
Poblacion, Ibaaan, Batangas
Parents:
Federico Caringal
Claribel de Castro

Gwyneth Guerra Saez
7 years old
Lucsuhin, Ibaan, Batangas
Parents:
Wilson S. Saez
Florence R. Guerra

Carmela Kimberly Briones Roxas
9 years old
Pangao, Ibaan, Batangas
Parents:
Alex Rivero Roxas
Catherine Patena Briones

Marielle Andrea de Castro
10 years old
Pobalcion, Ibaan, Batangas
Parents:
Arman Alday de Castro
Lorna de Castro

Nawa'y maging malinis ang puso natin ngayong Semana Santa.
Nadine Claire Andal Clarete
8 years old
Sabang, Ibaan, Batangas
Parents:
Simeon Aguila Clarete
Norma Millaris Andal Clarete

Nina (ninya) Fatima Pacriz Ong
6 years old
Balanga, Ibaan, Batangas
Parents:
Michael Giovanni Ong
Marife Pacriz

Samantha Ashley Amada Matira
9 years old
Poblacion, Ibaan, Batangas
Parents:
Joseph Baes Matira
Ruth Villar Amada

Andrew Jericko Bautista
7 years old
Calamias, Ibaan, Batangas
Parents:
Arturo Bautista
Jeanette Bautista

Lovely Ishi Reyes Reyes
7 years old
Pangao, Ibaan, Batangas
Parents:
Albert Vincent T. Reyes
Rosette Transona Reyes

Keema Alexa Palis Alday
7 years old
Pangao, Ibaan, Batangas
Parents:
Zosimo Alday
Mary Ann Palis

Rochellle Mae de Castro
Parents:
Rodel A. de Castro
Cynthia Hernandez

Nazegreg Samuel Guico Roxas
6 years old
Pangao, Ibaan, Batangas
Parents:
Sonny Boy Rivero Roxas
Lorna Mulingtapang Guico

Josef Leo R. Laruan
8 years old
Parents:
Jose Laruan
Yuly Rabino

Mark Cendrix L. Ramos
7 years old
Malainin, Ibaan, Batangas
Parents:
Ferdinand N. Ramos
Rustica A. Latag

Nathan Dale F. Ilagan
6 years old
Tulay, Ibaan, Batangas
Parents:
Danilo I. Ilagan
Lota F. Ilagan

Christian Nico M. de Torres
7 years old
Salaban I, Ibaan, Batangas
Parents:
Randy B. de Torres
Mhea Rowen A. Mangilit

Irome M. Villones
7 years old
Balanga, Ibaan, Batangas
Parents:
Romulo A. Villones
Imelda M. Villones

Symon David D. Sanggalang
8 years old
Sandalan, Ibaan, Batangas
Parents:
Felix Sanggalang
Dalisay

Xeus John E. Petallano
7 years old
Palindan, Ibaan, Batangas
Parents:
Jeson Petallano
Marina Petallano

King Alfonso Santiago Garcia
9 years old
Coliat II, Ibaan, Batangas
Parents:
Joselito Tan Garcia
Prescila Desiderio Santiago

John Lauren Torrano Yabyabin
9 years old
Matala, Ibaan, Batangas
Parents:
Sixto Yabyabin
Ruby A. Torrano

Vince Andrei T. Magsino
7 years old
Parents:
Rowen M. Magsino
Shiela A. Taleon

Christian Tisme Pallasuigui
10 years old
Parents:
Irineo Pallasuigi
Adora Tismo

Jhon Derick P. Cometa
9 years old
Coliat, Ibaan, Batangas
Parents:
Digno Cometa
Joyce Pasia

Johann Nikholas De Castro Rena
8 years old
Dayapan, Ibaan, Batangas
Parents:
Noel Corona Rena


No comments:

Post a Comment